Cagayan de Oro City – Matagumpay na naisagawa ang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Police Regional Office 10 sa Brgy. Dansilohan, Cagayan de Oro City nito lamang umaga ng Mayo 31, 2023.
Pinangunahan ito ni Police Colonel Elias Hampac, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division 10 at Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office katuwang ang Advocacy Support Groups, Force Multipliers, at Local Government Unit ng Cagayan de Oro City.
Ilan sa serbisyong handog ay libreng tsinelas, bigas, food packs at libreng gupit.
Nagsagawa rin ng mobile library, medical at dental check-up at libreng tuli.
Nasa mahigit 100 indibidwal ang nakatanggap ng serbisyo mula sa mga nasabing grupo.
Patuloy ang buong hanay ng Police Regional Office 10 sa pamumuno ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director sa pagbibigay ng maganda at dekalidad na serbisyo sa mamamayan na lubos na nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10