Thursday, September 19, 2024

Police Officer at asawa nito pinaulanan ng bala, patay; anak na babae, kritikal

Kritikal ang isang 12-anyos na babae at patay ang isang opisyal na nakatalaga sa Muntinlupa City Police Station at asawa nito matapos paulanan ng bala sa loob ng kanilang bahay sa Block 7, Lot 4, Tierra Villas, L&B 2, Ilaya Street, Alabang bandang 1:10 ng madaling araw nito lamang Lunes, Setyembre 16, 2024.

Kinilala ang namatay na si Police Captain Aminoden Sanchez Mangonday, aktibong miyembro ng Philippine National Police, kabilang sa Class Huwarang Lipi 2019, 40 anyos at ang kanyang misis na si Mary Grace Ramirez Mangonday, 40, businesswoman.

Batay sa mga salaysay ng mga testigo, nabatid na ang suspek ay isang lalaki na may mahabang buhok, 5’9″ ang taas, nakasuot ng black jacket at black pants.

Napag-alaman na ang suspek ay pumasok sa bahay ng pamilyang Mangonday at walang habas na pinaulanan ng bala ang mag-anak na dahilan nang pagkasawi ng mag-asawa.

Bilang tradisyon ng Muslim, kaagad na inihatid sa huling hantungan ang mag-asawa.

Samantala, kinondena ng PNP ang brutal na pagpaslang kay PCpt Mangonday at asawa nito na kilala bilang isang mabait at tapat na public servant. Mabilis na malalapitan at isang responsable at mapagmahal na ama sa kanyang asawa at dalawang anak.

Nanawagan naman ang PNP sa kooperasyon at tulong ng mamamayan upang mas mapabilis ang pag-resolba at managot ang mga suspek sa likod ng pamamaslang. Tayo ay magtulungan upang matuldukan ang pangha-haras at pamamaslang sa mga alagad ng batas na walang ibang adhikain kundi ipatupad ang batas at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Panulat ni PSSg Grace Neville L Ortiz

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles