Saturday, November 23, 2024

PNP Water Cops, matagumpay na nakabalik mula sa Visayas

Camp Crame, Quezon City (February 17, 2022) – Binigyang parangal ni Police Major Walter Castillejos, The Director of Police Community Relations, ang 17 PNP Water Cops na kababalik lang mula sa Visayas nitong hapon ng February 17, 2022 sa harap mismo ng PNP National Headquarter, Camp Crame, Quezon City.

Matatandaan na ang nasabing grupo ay umalis noong December 23, 2021 patungong Visayas dala ang Search and Rescue Vehicle (SAR) with water desalination machine upang tumulong sa mga kababayan nating naging biktima ng bagyong “Odette”. Matagumpay silang nakapag-abot ng tulong sa dalawang rehiyon sa Visayas (Rehiyon 7 at 8) partikular na sa Southern Leyte at Bohol na higit na napinsala ng bagyo.

Ang Water Cops ay binubuo ng mga kapulisan mula sa Special Action Force, Police Regional Office 2 at Police Regional Office 5.

Bilang pagpupugay sa kanilang kabayanihan at pagkakawanggawa, ginawaran sila ng Medalya sa Pagtulong ng Nasalanta na ibinigay mismo ni PMGen Castillejos.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Police Senior Master Sergeant William L Caronan, Jr, SAR Team Leader, PRO2; Police Senior Master Sergeant Vicente V Baricaua, SAR Team Leader, SAF; Police Corporal Nemar P Abad, SAR Team Leader, PRO5 sa lahat ng sumuporta sa kanila at nangakong hindi sila magdadalawang-isip na tumugon sakaling kakailanganin muli ang kanilang tulong.

###

Panulat ni Patrolman Kher D Bargamento

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles