Saturday, May 10, 2025

PNP, walang sasantuhin sa vote-buying

Pinakilos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco D Marbil ang mga field commander para sa mas maigting na kampanya kontra vote-buying, tatlong araw bago ang eleksyon sa Lunes, Mayo 12, 2025.

Sa pag-iikot ni PNP Chief Marbil sa mga Police Regional Office bilang paghahanda para sa midterm elections, ipinag-utos niya ang mas pinaigting na `Kontra Bigay’ operations o kampanya laban sa vote-buying.

Bukod sa vote-buying, kasama sa direktiba ni PGen Marbil ang kampanya kontra vote-selling.

Binigyang-diin ni PNP Chief Marbil sa mga field commander ang kahalagahan ng kanilang papel upang mapanatili ang integridad ng halalan.

“May ilang ulat ng bentahan ng boto sa iba’t ibang panig ng bansa na kasalukuyang iniimbestigahan, at agad na isasampa ang nararapat na kaso sa mga mapapatunayang lumabag,” ayon sa pahayag ng PNP nitong Biyernes, Mayo 9, kaugnay sa ilang ulat ng bentahan ng boto.

Nagbabala ang PNP sa mga kandidato at sa kanilang mga tagasuporta na walang sasantuhin sa vote-buying at vote-selling dahil isang seryosong paglabag ito sa election laws.

Source: https://tonite.abante.com.ph/2025/05/09/pnp-walang-sasantuhin-sa-vote-buying/

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,560SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles