Mas pinalakas ang PNP visibility and mobility sa isinagawang horseback riding patrol training na pinangunahan ni Police Regional Office 11 Regional Director, Police Brigadier General Leon Victor Z Rosete nito lamang ika-2 ng Abril 2025 sa Davao Oriental Police Provincial Office, Barangay Dahican, Lungsod ng Mati, Davao Oriental.
Layunin ng pagsasanay na ito na mapahusay ang kakayahan ng pulisya sa pagpapakita ng presensya, hindi lamang sa mga parke, destinasyong panturismo, at mga komunidad sa kanayunan, kundi lalo na sa mga lugar na hindi maaabot ng mga sasakyan.


Sakay sa mga kabayo, mas mabilis na makakapagresponde ang mga kapulisan sa mga insidente sa mga lugar na hirap marating ng sasakyan.
Dagdag pa, ito rin ay magtataguyod ng mas malakas na ugnayan sa mga lokal na residente, na nagdudulot ng mas malapit na relasyon sa mga tao, pagpapalakas ng tiwala, at pagpapabuti ng seguridad.
Ang inisyatibong ito ay alinsunod sa pangako ng PNP na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino