Quezon City – Tumanggap ng donasyon ang Pambansang Pulisya mula sa Philippine Fuijian General Business Association para sa mga kapulisan na lubos na naapektuhan ng 7.0 na lindol sa Abra na ginanap sa PNP Star Lounge, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang Huwebes, August 11, 2022.
Personal na tinanggap ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin, Jr, ang mga donasyon kasama sina PMGen Ronaldo Olay, Director ng Directorate for Logistics; PBGen Eric E Noble, ang dating Director ng PCADG at ngayon ay itinalagang Acting Director ng PNPA; at PCol Patrick Joseph G Allan, ang bagong itinalagang Acting Director ng PCADG.
Nasa kabuuang 1,200 packs ng Bihon Noodles, 2,000 na pirasong Instant Noodles at 4,000 na pirasong KF94 Face ang ipinaabot na donasyon ng Philippine Fuijian General Business Association sa pangunguna ni Mr. Wu Qing Quan, President, kasama sina Mr. Lin Lian Sheng, Mr. Joseph Chua, Mr. Johnson Chua at Mr. Vincent Chan.
Ang Philippine Fuijian General Business Association ay isa sa mga maaasahang stakeholder’s ng PNP na patuloy na nagpapaabot ng kanilang tulong sa PNP lalo na sa panahon ng pandemya at mga natural na kalamidad.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si PGen Azurin Jr. sa Philippine Fuijian General Business Association sa kanilang pagtitiwala at hindi matatawarang suporta sa Pambansang Pulisya.
###
Panulat ni PMSg Leah Lyn Q Valero