Pinarangalan ng Philippine National Police (PNP) ang mga PNP Special Electoral Boards (SEBs) sa isinagawang Tribute and Awarding Ceremony noong ika-23 ng Mayo 2025 na ginanap sa PNP Multi-Purpose Center, Camp Crame.


Ang kaganapang ito ay pagkilala sa huwarang serbisyo ng mga PNP SEBs upang matagumpay at mapayapang isinagawa ang halalan sa iba’t ibang lugar sa Mindanao. Sa kabuuang 3,698 na idineploy sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindao (BARMM) noong nakaraan halalan, 241 SEB personnel ang personal na nakadalo sa nasabing seremonya – 175 mula sa Police Regional Office 2 (PRO 2), 37 mula sa PRO 4A, at 29 mula sa PRO 4B.
Sa talumpati ni Police General Rommel Francisco D. Marbil, pinuri niya ang mga kapulisan sa pagpapatupad ng batas upang tiyakin ang maayos na pagsasagawa ng halalan sa mga lugar na apektado ng kaguluhan.

“This moment is a tribute to your discipline, professionalism, and integrity. You stood at the frontlines of democracy—not with firearms, but with ballots,” he stated. “Serving as SEBs is no ordinary assignment. It requires not only a high level of competency, but also an ironclad sense of impartiality,” sabi ni PGen Marbil.
Binigyang-diin din niya ang kanilang pagsisikap na nakatulong upang matiyak ang kredibilidad ng eleksyon at pinalakas ang tiwala ng publiko sa mga ganitong demokratikong mga proseso.
“Your service has strengthened the credibility of the electoral process. It reassured voters. It protected the sanctity of the ballot. And it sent a clear message—that the PNP will always be a pillar of secure, fair, and peaceful elections,” dagdag ni PGen Marbil.
Habang 241 SEBs ang pinarangalan sa Camp Crame, ang mga regional tribute ceremonies ay inihahanda na rin ng kani-kanilang Police Regional Offices para kilalanin ang kontribusyon ng iba pang tauhan ng SEB.