Baybay City, Leyte – Patuloy at hindi pa rin tumitigil ang kapulisan sa Leyte sa isinasagawang Search and Retrieval Operation, ito ay matapos magkaroon ng landslide sa Barangay Kantagnos, at sa mga kalapit barangay nito sa Baybay City, Leyte dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Agaton.
Ngayong araw ng Sabado, Abril 16, 2022, nagpapatuloy pa rin sa paghahanap ng mga nasawi at nawawala nating mga kababayan ang mga tauhan ng Southern Leyte Maritime Police Station sa pamumuno ni Police Major Glenn Michael Amoyen, Station Chief at ng Baybay City Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang Law Enforcement Agencies.
Bagama’t marami na ang natagpuan sa mga nawawalang residente marami pa rin ang hindi pa nakikita at patuloy pang pinaghuhukay ng mga miyembro ng Search and Rescue team.
Hindi alintana ang pagod ng ating mga kapulisan at ng iba pang mga kasamahan na tinatayang may limang araw ng nagsasagawa ng search and retrieval operation sa iba’t ibang barangay sa nasabing lungsod at sa mga kalapit na bayan nito mula noong April 12, 2022, nang nagsimulang nananalasa ang bagyo.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez