Monday, November 25, 2024

PNP sa publiko: Maging responsable sa pagbisita sa mga pook-pasyalan

Umapela si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar sa publiko na maging responsable tuwing bibisita sa mga pampublikong lugar at mga pook-pasyalan matapos ipatupad ang COVID-19 Alert Level 3 sa Metro Manila.

Ito ay matapos makatanggap ng mga sumbong ang PNP hinggil sa hindi pagsunod sa health and safety protocols ng mga bumibisita sa Dolomite Beach.

Inatasan na ni PGen Eleazar ang mga police offices at units na tiyakin ang sapat na bilang ng kapulisan sa mga pampublikong lugar upang masiguro ang maayos na pagpapatupad ng minimum health safety protocols at makontrol ang pagdagsa ng maraming tao.

“Paulit-ulit ang ating paalala sa publiko na mahigpit na sumunod sa minimum health standards lalo na kung nasa pampublikong lugar o pasyalan gaya ng Dolomite Beach. Nauunawaan ko ang kagustuhan ng ating mga kababayan na makalabas ng kanilang mga tahanan, subalit kung hindi tayo mag-iingat ay hindi malabong tumaas na naman ang kaso ng COVID-19 at mapilitan na naman ang gobyerno na maghigpit sa mga protocols,” giit ni PGen Eleazar.

Dagdag pa dito, pinaalalahanan din ni PGen Eleazar ang mga pulis na ugaliin ang “maximum tolerance” lalo na sa mga mahuhuling lalabag sa umiiral na mga alituntunin.

Ibinaba sa level 3 ang alert status sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre matapos bumaba ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Pinapayagang magbukas ang ilang establisyamento para sa mga fully-vaccinated na kostumer. Pinapayagan ang 30% capacity sa indoor venue at 50% naman sa outdoor venue basta’t bakunado kontra COVID-19 ang lahat ng empleyado nito.

Photo Courtesy: philstar.com

#####

Article by Police Corporal Josephine T Blanche

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles