Maguindanao – Nagsagawa ng pamamahagi ng relief goods ang mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 14 sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Purok Rambutan, Gumagadong, Parang, Maguindanao nito lamang ika-8 ng Nobyembre 2022.
Ito ay sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Geofry Ortiz sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Argel Ancheta, Force Commander, RMFB 14.
Bandang alas-10 ng umaga nagsimula ang aktibidad kabilang dito ang pamamahagi ng 100 food packs na natanggap ng mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong iangat at suportahan ang mga direktang apektado ng bagyo.
Ito ay alinsunod sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz