Nueva Vizcaya – Pinangunahan ng Bambang PNP ang pagsasagawa ng PNP Revitalized KASIMBAYANAN at pagtalakay sa programang BIDA o “Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan” na inilunsad sa Barangay Dullao, Bambang, Nueva Vizcaya, noong ika-4 ng Enero 2022.
Aktibong nakiisa sa programa ang mga miyembro ng iba’t ibang Advocacy Support Groups sa bayan ng Bambang kabilang ang Barangay Officials, Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs), at Religious Sectors Group sa pangunguna ni Pastor Rey Cainap, mga opisyal at residente ng nasabing barangay.
Tinalakay din sa mga dumalo ang tungkol sa programang BIDA na malawakang inilulunsad ng kapulisan upang puksain ang paglaganap ng ilegal na droga sa bawat pamayanan.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng religious sector at pulisya tungo sa isang mapayapa, at maunlad na lipunan. Gayundin ang magbigay kaalaman patungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga sa bawat indibidwal at sa pamayanan
Source: Bambang PS
Panulat ni Pat Rustom T Pinkihan