Siniguro ng Police Regional Office 02 ang kahandaan ng kanilang hanay sa pagresponde sa mga sakuna kasabay ng isinagawang inspeksyon ni Regional Director PBGen Christopher Birung sa mga rescue equipment ng pulisya sa rehiyon nito lamang Mayo 28, 2024.

Bilang pakikiisa sa direktiba ng hepe ng Pambansang Pulisya, PGen Rommel Francisco Marbil kaugnay sa pagdaraos ng “Simultaneous Showdown Inspection” sa PNP Disaster Response Equipment Capabilities ng lahat ng Police Regional Offices sa bansa.
Bahagi nito ay ang regular na pagsasagawa ng mga pagsasanay ng response team ng PRO2 upang matiyak ang kanilang kahandaan.
Samantala, kasama sa mga ininspeksyon ni PBGen Birung ay ang mga search, rescue, and retrieval equipment, rescue protective gears, rescue vehicles, at mga supplies na maaaring gamitin ng mga kawani na madedeploy sa mga rescue operation.

Tinitiyak ng pamunuan ng PRO2 na nakahanda ang kanilang mga PNP personnel sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa buong Lambak ng Cagayan sakaling may mga bagyo at iba pang sakuna na maaaring maranasan dahil ang gusto ng Pulis, ligtas ka!
Source: PRO 2