Camp Kangleon, Palo, Leyte – Nagpaabot ng Php1,858,191 cash assistance ang Police Regional Office 8 sa pamumuno ni Police Brigadier General Bernard M Banac, Regional Director sa mga Local Government Units ng Abuyog at Baybay City sa ginanap na programa sa Baybay Convention Center, Baybay City noong Martes, Hunyo 21, 2022.
Ang tulong na pera ay inilaan para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng Tropical Storm Agaton noong Abril 11, 2022. Malubhang tinamaan ni TS Agaton ang mga lugar ng Abuyog at Baybay City, kapwa sa lalawigan ng Leyte kung saan napilitang lumikas ang mga pamilya at umalis sa kanilang mga tahanan para sa kanilang kaligtasan.
Para sa Abuyog Leyte, 139 na displaced na pamilya ang nakatanggap ng Php6,072 bawat isa habang sa Baybay City, 8 mga pamilya ang nakatanggap ng Php6,072.00 bawat isa at 159 na pamilya ang nakatanggap ng Php 6,073 bawat isa.
Ang Php1,858,191 cash assistance ay naibigay ng Police Regional Offices 2, PRO Cordillera at PRO 5. Nag-donate ang PRO 2 ng Php600,000, ang PRO Cordillera ay nagbigay ng Php1,070,265 at PRO 5, Php187,926.
Ang cash assistance ay personal na tinanggap ni Hon. Jose Carlos L Cari, Baybay City Mayor at Hon. Lemuel K Traya, Abuyog Municipal Mayor.
Mensahe ni RD Banac, “Lubos ang pasasalamat ng PRO 8 sa PRO 2 sa pamumuno ni Police Brigadier General Steve B Ludan, PRO Cordillera sa pamumuno ni Police Brigadier General Ronald O Lee at PRO 5 sa pamumuno ni Police Brigadier General Mario A Reyes sa kanilang pakikiramay at kabutihan. I am beyond thankful to these Police Regional Offices for extending their help to our constituents in Abuyog and Baybay, Leyte. To our recipient families, nawa’y kahit papaano ay maibsan ng cash assistance ang inyong pasanin sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan. Kami, sa PNP, nandito lang kami para maging suporta. Ipagdasal natin na hindi na mauulit ang ganitong klase ng kahirapan”.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez