Patuloy ang panawagan ng PNP na sumuko at harapin ni Pastor Apollo Quiboloy at ng mga kasama nito ang mga iba’t ibang kaso tulad ng child abuse, sexual abuse, at human trafficking.
Ito ang naging tugon ng PNP sa pahayag ng kampo ni Pastor Quiboloy nito lamang Huwebes, Agosto 29, 2024 sa pamamagitan ng Legal Counsel nito na si Atty. Israelito Torreon na ang dahilan sa pagtatago ng Pastor at mga kasamahan nito ay dahil sa extraordinary rendition at baka ipapadala si Pastor Quiboloy sa America.
Isa lamang ang susi ng lahat, ang sumuko at dumaan sa legal na proseso ng ating batas sapagkat nahaharap ang mga ito sa patong-patong na kaso.
Ang PNP ay ginagawa lamang ang trabaho at sa lahat ng oras ay nirerespeto ang karapatang pantao ng bawat isa, dahil lahat tayo ay pantay-pantay sa ating batas.