Eastern Samar – Nagsagawa ng Outreach Program ang PNP 801st Maneuver Company para sa mga residente ng Barangay Alugan, San Policarpo, Eastern Samar, nito lamang Sabado, Abril 30, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Prudante Agatan, Officer-in-Charge ng 801st Maneuver Company, namahagi ng food packs ang mga operating troops matapos ang kanilang combat operation sa Brgy. Alugan bandang 4:00 ng hapon.
Ayon pa kay PLt Agatan, may kabuuang 50 food packs ang naipamahagi sa mga residente at habang ang kapulisan ay nasa nasabing barangay, nagsagawa rin sila ng house to house visitation at namahagi ng babasahin upang madagdagan ang kaalaman ng ilang residente tungkol sa mga kontra kriminalidad, ilegal na droga, kamalayan sa anti- terorismo at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Ang Eastern Samar PNP ay isang patunay na hindi napapagod ang ating mga kapulisan na maghatid serbisyo at magbigay kaalaman sa ating mamamayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez