Friday, January 24, 2025

PNP: ‘No special treatment for Alice Guo, no sacred cows’

Siniguro ng Philippine National Police na walang “special treatment” na matatanggap ang nadismiss na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo habang nakapiit sa PNP Detention Facility.

Sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo sa isang press briefing nitong Setyembre 6, 2024 na itatrato gaya ng isang pangkaraniwang detainee si Guo.

“Definitely po there will be no special treatment for Alice Guo, at siya po ay itatrato bilang ordinaryong detainee katulad po ng ibang nadetain po diyan sa loob po ng custodial facility,” pahayag ni PCol. Fajardo.

Sa pagsisimula ng pulong balitaan ay ipinakita ng tagapagsalita ng PNP ang itsura ng kwarto ni Guo: payak na silid na mayroong isang palikuran, higaan, hapag kainan at isang ceiling fan.

Aniya, magiging limitado ang galaw ng nadakip na si Guo; hahatiran lamang siya ng kanyang pagkain at hindi siya makalalabas sa maliit na kwarto kung saan ipiniit din ang dating senador na si Leila de Lima.

Ang mga kamag anak at abogado ni Guo ay susunod din sa ipinatutupad na oras ng pagbisita, at maging ang mga electronic gadgets ni Guo ay kinumpiska rin ng kapulisan.

Samantala, nagbigay kasiguruhan naman si PCol. Fajardo na puspusan ang isinasagawang imbestigasyon ng pamahalaan upang mapanagot ang mga taong tumulong kay Guo upang makalabas ng bansa.

“Nakikipagtulungan po ang PNP sa ibang law enforcement agencies para po matukoy kung paano po ba nakalabas ng bansa itong si Alice Guo at iba pa pong personalidad.”

“On the possible involvement po ng mga rogue cops, or even active cops po ay ito po ang maaassure po naming sa inyo: there will be no sacred cows…asahan niyo po na ang PNP will pursue them to the end,” sambit ng colonel nang tanungin tungkol sa balitang may mga “rogue cops” na sangkot sa pagpuslit sa dating alkalde palabas ng bansa.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles