Wednesday, May 14, 2025

PNP, nananatiling neutral sa buong panahon ng halalan 2025

Nananatiling neutral ang buong hanay ng Pambansang Pulisya sa buong panahon ng halalan 2025, iyan ay ayon kay Police General Rommel Francisco D Marbil, PNP Chief.

Dagdag pa ni PGen Marbil na sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay masusing tumalima ang buong hanay ng PNP sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na panatilihin ang pinakamataas na antas ng propesyonalismo at disiplina sa buong panahon ng halalan sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa mandato ng Konstitusyon ukol sa pagiging non-partisan ng kapulisan.

Mula sa kampanya, sa mismong araw ng halalan, hanggang sa post-election duties, buong-loob na tumalima ang PNP sa naturang utos.

Wala namang naiulat na insidente ng partisanship o political bias sa hanay ng kapulisan—isang malinaw na patunay ng paninindigan ng PNP na maglingkod ng tapat at walang kinikilingan.

Dahil dito pinuri ni CPNP Marbil ang lahat ng kapulisan sa pagtalima sa direktiba ng Pangulo at sa matagumpay na pagbabantay sa hhalalan.

Aniya: “Ikinagagalak kong ipahayag sa buong bansa, na ang ating mga PNP personnel ay nanatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at sa aking direktiba na manatiling apolitical.”

“Walang sino man ang nasangkot sa anumang political activity. Ginampanan nila ang kanilang tungkulin nang may dangal, propesyonalismo, at pagiging patas. Isa itong malinaw na patunay na ang PNP ay isang matured na institusyon na kayang gampanan ang papel nito sa demokrasya nang walang kinikilingan. Pinatunayan ng ating kapulisan na sa Bagong Pilipinas, hindi pulitika kundi serbisyo-publiko ang pinanghahawakan natin. At dahil dito, mas lalo tayong pinagtitiwalaan ng taumbayan,” dagdag pa niya.

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng naturang direktiba, pinaigting ng PNP ang internal monitoring nito sa pamamagitan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at ng Internal Affairs Service (IAS). Naging matibay din ang koordinasyon ng PNP sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang maayos, ligtas, at mapayapang halalan.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles