Personal na nagtungo si Police Colonel Christopher M Bermudez, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office sa Sitio Quarry, Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat nito lamang Pebrero 12, 2024 upang personal na bisitahin at ibigay ang tulong sa isang pamilyang nasunugan ng bahay noong Disyembre 26, 2023.

Kasama ni PCol Bermudez sa pagbisita sina Police Lieutenant Colonel Benhur G Catcatan at Police Major Ronalyn Domider kung saan sila ay nag-abot ng food packs, grocery items, hygiene kits, kagamitang pangkusina, mga damit, at sako-sakong bigas sa pamilya ni tatay Juanito Zamora.
Nabanggit din ni PCol Bermudez na tutukan at papangasiwaan nila ang pagpapatayo ng bagong bahay para sa naturang pamilya sa pamamagitan ng kanilang programa na PROJECT CHRIS (Carrying the Heart in Restoring Image in the Service).

Taos-pusong pasasalamat naman ang nasambit ng pamilya ni tatay Juanito para sa Sultan Kudarat PNP sa kanilang hindi matatawarang suporta at walang patid na pagtulong para sila’y makabangong muli.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin