Thursday, May 1, 2025

PNP, nagsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagpatay kay Beteranong Mamamahayag at dating Kalibo Mayor na si Juan “Jhonny” Dayang

Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang brutal at walang awang pagpaslang sa 89-anyos na beteranong mamamahayag at dating alkalde ng Kalibo, Aklan na si Juan “Johnny” Dayang, na binaril sa loob ng kanyang tahanan sa Kalibo, Aklan noong gabi ng Abril 29, 2025.

Si Dayang na pangulo ng Publisher Association of the Philippines Inc. (PAPI), kilala din bilang isa sa mga haligi ng pamamahayag sa bansa, ay itinuring na isang mahalagang personalidad sa media at isang tagapagtanggol ng kalayaan sa pamamahayag sa loob ng maraming dekada.

Ayon sa ulat, bandang 8:00 ng gabi habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ng hindi pa nakikilalang salarin na nakasuot ng itim na jacket at naka-helmet ang tahanan ni Dayang at siya ay pinagbabaril.

Mabilis namang tumakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Ang biktima naman ay agad na isinugod sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa mga tinamong tama ng bala sa likod.

Ang karumal-dumal na krimen ay nagdulot ng matinding pagkabigla at pagdadalamhati hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa buong hanay ng mga mamamahayag at publiko.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil na agad nilang inatasan ang kanilang mga regional units at mga espesyal na imbestigador na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy at madakip ang nasa likod ng pagpatay.

“Kami sa Philippine National Police ay hindi titigil hangga’t hindi namin naihahatid ang hustisya para kay Ginoong Dayang. Ang pagpaslang sa kanya ay isang malinaw na pag-atake hindi lamang sa isang mamamahayag kundi sa mismong prinsipyo ng malayang pamamahayag na kanyang ipinaglaban sa buong buhay niya,” ani PNP Chief Marbil.

Dagdag pa niya, kasama sa mga ipinakalat na grupo ang mga kasapi ng PNP Media Vanguards, isang yunit na binubuo ng mga opisyal ng PNP na may espesyal na pagsasanay para sa pakikipag-ugnayan at suporta sa mga media practitioner. Aniya, ang yunit na ito ay hindi lamang tutok sa imbestigasyon kundi tumutulong din sa pagpapalakas ng mga proteksyong mekanismo para sa mga mamamahayag sa buong bansa.

“Ang Media Vanguards ay itinatag upang tiyakin na may sapat na suporta at seguridad ang ating mga kasamahan sa media. Sa kaso ni Ginoong Dayang, hindi lamang namin hahabulin ang mga salarin, kundi magsasagawa rin kami ng mga hakbang upang maiwasan ang mga ganitong insidente sa hinaharap,” dagdag ni PNP Chief Marbil.

Hinimok rin ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon. Anumang impormasyon na makatutulong sa pagtukoy sa suspek ay hinihiling na agad iparating sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya. Tiniyak ng PNP na pananatilihin nila ang seguridad ng mga posibleng testigo at hindi nila palalagpasin ang sinuman, gaano man kataas ang katungkulan o koneksyon, na mapapatunayang may kinalaman sa krimen.

Ang pagkamatay ni Juan “Johnny” Dayang ay isa na namang masakit na paalala ng panganib na kinahaharap ng mga mamamahayag sa bansa. Sa kabila nito, ipinangako ng PNP na kanilang ipaglalaban ang hustisya at kaligtasan ng bawat Pilipinong naghahangad ng katotohanan.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles