Thursday, January 23, 2025

PNP, nagpatayo ng mga palikuran para sa mga mag aaral sa Davao Oriental

Pinangunahan at sinuri mismo ni Police Colonel Julius E Silagan, Provincial Director ng Davao Oriental Police Provincial Office ang inspeksyon sa ipinagawang limang cubicle ng palikuran para sa mga mag-aaral ng Benito Garcia Rabat Executive Elementary School sa Mati, Davao Oriental nito lamang Oktubre 28, 2024.

Ang ipinagawang pasilidad ay nakatakda para sa blessing at turn-over matapos pumasa sa isinagawang pagsusuri ng masigasig na Provincial Director.

Sa pamamagitan ng pagtutok sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, layunin ng kapulisan na masigurong may sapat na pasilidad, kagamitan at espasyo ang mga kabataan.

Ang inisyatibong magkaroon ng maayos na palikuran ang mga mag aaral ay hindi lamang tungkol sa pisikal na kalinisan; ito rin ay naglalayong maikintal sa isipan ng mga kabataan ang diwa ng pagtulong sa mga nangangailangan at pagtugon sa suliranin ng lipunan.

Sa ganitong proyekto rin nagiging mas komportable at masaya ang mga mag-aaral sa pag-aaral na nagtutulak sa kanila na maging mas aktibo at masigasig sa kanilang mga aralin.

Ang mga positibong karanasang ito ay nagiging pundasyon ng kanilang personal na pag-unlad bilang tao na nakatutulong sa kanilang paglaki bilang mga responsableng mamamayan sa hinaharap.

Ipinapahiwatig ni PCol Silagan na ang Davao Oriental PNP ay kaagapay ng sambayanan sa paghubog ng mga mamamayang matuwid habang sinisiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral: malayo sa anumang uri ng karahasan at insurhensya na dala ng maling ideolohiya at panlilinlang ng makakaliwang grupo.

Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles