Sunday, May 4, 2025

PNP, muling nanindigan sa “Zero-tolerance” policy matapos tanggalin sa pwesto ang sampung tiwaling pulis

Muli na namang pinatunayan ng PNP ang “Zero-tolerance” policy matapos ang pagtanggal sa pwesto sa sampung miyembro ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na umano’y taniman ng baril at mangikil ng Php18 milyon sa tatlong taong naabutan sa pagsalakay sa isang warehouse sa Tondo, Maynila noong Pebrero.

Sa direktiba ni Police General Rommel Francisco D. Marbil, Hepe ng PNP, ang mga nasabing mga pulis ay nasa ilalim ng restrictive custody at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Maliban dito, aalisin din mula sa kanila ang yamang nakuha mula sa mga ilegal na aktibidad.

Binigyan-diin ng Hepe na hindi magdadalawang-isip ang ahensya na i-seize ang lahat ng mga ari-arian ng mga tiwaling pulis. Aniya, iimbestigahan nila ang mga bank accounts at financial holdings ng mga tiwaling pulis sa tulong ng Anti-Money Laundering Council.

“Hindi ka lang matatanggal o makukulong, sisiguraduhin naming mawawala lahat ng natamo mo sa pamamagitan ng katiwalian,” sabi ni PGen Marbil.

Samantala, maliban sa 10 operatiba ng CIDG, inalis din sa pwesto ang dating commander ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District at dalawa sa kanyang mga sakop na pinayagan umano ang isang babaeng nakakulong sa Qualified Theft na bisitahin ang kanyang pamilya sa isang hotel noong Holy Week. Maging ang walong opisyal ng Eastern Police District ay tanggal sa serbisyo matapos nakawin ang milyun-milyong pera at iba pang mahahalagang gamit mula sa isang Chinese national sa Las Piñas.

Ang mga nabanggit ay nahaharap sa kasong grave coercion, kidnapping at robbery.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles