Manila — Masusing ininspeksyon ni SILG Secretary Atty. Benjamin C Abalos, Jr., at PNP Chief PGen Benjamin C Acorda, Jr., ang paggaganapan ng Traslacion 2024 at paligid ng simbahan ng Quiapo, Manila nito lamang Lunes, Enero 8, 2023.

Kasama rin sa nasabing inspeksyon sina Manila Mayor Honey Lacuna, Fire Director Louie S Puracan, NCRPO Chief PMGen Jose Melencio C Nartatez, Jr, at mga opisyales ng MMDA, at simbahan.

Ito ay upang masigurado ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto sa Kapistahan ng Poong Nazareno na gaganapin bukas, Enero 9, 2024.

Ani PGen Acorda, “Ensuring the safety and security of the millions of devotees who partake in Traslacion is our top priority.”

Ang pinagsanib pwersa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay sumasalamin sa pagkakaisa at dedikasyon ng mga tagapagpatupad ng batas upang maging payapa ang nasabing pagdiriwang.