Misamis Occidental – Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga tauhan ng PNP Maritime Ozamis sa Sitio Napu, Barangay Malaubang, Ozamis City, Misamis Occidental nito lamang Oktubre 28, 2023.
Ang naturang paglilinis ay pinangunahan ni Police Major Julie Buac, Station Chief, Ozamis City Maritime Police Station, kaagapay ang mga miyembro ng PNP Aviation Security Group, at SOS/KABALIKAT CIVICOM volunteers.

Sa kabuuan ay nasa mahigit kumulang 10 sako ng basura ang kanilang nakuha sa pag-iikot malapit sa dalampasigan.
Ito ay bahagi ng Core Values ng PNP na “Makakalikasan” na may layon na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng kaliwa’t kanan na coastal clean-up drive at tree planting activity.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris