Saturday, November 23, 2024

PNP maninindigan sa lehitimong pag-aresto sa isang doktor

Nakakulong na ngayon sa Bayugan City, Agusan Del Sur ang doktor na si Maria Natividad Castro matapos arestuhin sa San Juan City noong Pebrero 18 ng kasalukuyang taon. Ang pag-aresto kay Dr. Castro ay bahagi ng regular na operasyon ng mga alagad ng batas, alinsunod sa warrant of arrest na naisyu laban sa kanya at kanyang mga kasamahan sa kasong kidnapping with serious illegal detention.

Taliwas sa pinapakalat ngayon sa mga social media networking site na nawawala daw at hindi na mahagilap si Dr. Castro matapos itong hulihin ng mga pulis, pinagbigay alam na ng pambansang pulisya sa lokal na opisina ng Commission on Human Rights ang kanyang kasalukuyang kalagayan at nakatawag narin sa kanyang pamilya si Dr. Castro matapos itong mahuli. Bukod pa rito, nabigyan din siya ng karampatang atensiyong pangmedikal dahil napag-alaman nga na siya ay diabetic.

Marami narin ang nakikisakay sa pinapalabas na isyu na kwestiyonable daw ang pagkakaaresto kay Dr. Castro at ang warrant of arrest di umano ay inisyu base sa maling akusasyon at walang legal na basehan. Napakalaking insulto naman ata ito sa ating hudikatura at sa ating legal system. Hindi basta basta naglalabas ng arrest warrant ang ating mga korte nang walang sapat na pag-aaral at masusing imbestigasyon. Sa prosecutor’s office pa lamang, masusi nang pinag-aaralan kung may probable cause upang maisampa ang kasong criminal laban sa akusado. Pagtapos nito, dadaan pa ito sa isang hurado na siyang tutukoy kung meron bang probable cause para maglabas ng warrant of arrest sa akusado upang mapasailalim sa hurisdiksyon ng korte.

Ipapaalala din po natin na ang pambansang pulisya bilang isa sa mga haligi ng ating criminal justice system na may mandatong magpatupad ng batas ay kumikilos sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte. Ano po ba ang kwestiyonable? Ang pagsagawa ng operasyon batay sa warrant of arrest na inilabas ng korte? O ang hindi pagtalima at pagsasawalang bahala sa isa sa mga mandatong siguruhing mahuli ang mga akusado batay sa mga legal na dokumento na inilalabas ng ating mga korte?

Kung meron mang pagdududa sa paraan ng paghuli kay Dr. Castro, inaanyayahan ng pambansang pulisya ang mga kumukwestiyon nito na magsampa ng anumang karampatang kaso upang maimbestigahan kung meron nga. Kagaya rin kung sa tingin nila ay may mali sa pag-isyu ng warrant of arrest magsampa sila ng mga kaukulang petisyon o motion kung naniniwala sila na walang sapat na ebidensiya laban kay Dr. Castro. Hindi yung kaliwa’t kanang pagbibigay pahayag sa iba’t ibang media outlet o di kaya naman paglalathala sa iba’t ibang social media platform at humihingi ng hustisya. Ang hustisya ibinibigay sa mga biktima. Bakit hindi kayo humiling ng hustisya para sa di umano ay biktima nina Dr. Castro? Bakit agad agad ninyong itinuring na ang biktima ay si Dr. Castro?
Huwag ninyong gawing sentro ng maling diskusyon ang isang lehitimong operasyon at gawin pang kapinsalaan ng mga haligi ng ating criminal justice system.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles