Buong pusong nanindigan si PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil na ang mga pulis ay mananatiling matapang, tapat, at neutral sa tungkulin ngayong papalapit na ang eleksyon.
Ito ay kasabay sa lumabas na resulta ng ginawang satisfaction survey na 92% sa mga respondents ang naniniwala na ang pulis ang susi ng pag-asa sa eleksyon.
Hindi patitinag na binigyang-diin pa ng Hepe sa kanyang mensahe ngayong Monday Flag Raising Ceremony (MFRC), ika-5 ng Mayo, sa Kampo Krame, ang kahalagahan ng pagpili na gumawa ng tama at mabuti lalo na sa panahong hinahamon ng panahon ang katapatan ng kanyang mga personahe.
Aniya, “You have a choice to do good, and a chance to make a difference.” [“Mayroon kang pagpipilian na gumawa ng mabuti, at isang pagkakataon na gumawa ng pagbabago.”]
Maalalang una niyang nabanggit ito noong kauna-unahang MFRC na itinalaga siya bilang Hepe ng PNP. Tanda ito na seryoso ang CPNP sa pagpapatupad ng batas nang may disiplina sa sarili.
Dagdag pa niya, tinitiyak ng buong hanay ng kapulisan na hindi papalusutin ang mga tiwaling mga gawain gaya ng vote-buying, sa halip poprotektahan ang kredibilidad ng eleksyon.