Marinduque – Nagsagawa ng PNP KASIMBAYANAN sa pamamagitan ng Feeding Program, Tree Planting Activity, Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng 2nd Platoon Marinduque Provincial Mobile Force Platoon sa Brgy. Cagpo, Torrijos, Marinduque nito lamang ika-17 ng Enero 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Tolemy Kapawen, Assistant Platoon Leader kasama ang mga Torrijos Municipal Police Station, at KASIMBAYANAN Adviser ang nasabing aktibidad.
Nagsagawa ang grupo ng Feeding Program, at pinasundan ng Tree Planting Activity at Coastal Clean-up Drive sa nasabing barangay.
Ito ay kaugnay sa programa ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Patuloy na isinasagawa ng PNP ang mga ganitong programa na naglalayong isulong ang pagkakaisa tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus