Wednesday, April 30, 2025

PNP JAFNAC, tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa mga nagpapakalat ng fake news

Umuusad na ang imbestigasyon ng PNP Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) upang matukoy ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng fake news kaugnay sa di umano’y kidnapping cases sa ilang high-profile Chinese businessmen sa bansa.

Matatandaang inilunsad ng Pambansang Pulisya ang JAFNAC kamakailan lamang kasunod ng pagkalat ng mga maling impormasyon na may kaugnayan sa kidnapping ng mga banyaga sa bansa. Nag-ugat ang naturang balita matapos maiulat ang pag-kidnap at pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman na si Anson Que kasama ang driver nito.

Ayon sa Pambansang Pulisya, pawang disinformation lamang at fake news ang naturang mga kumakalat na balita. Wala umanong sapat na ebidensya na siyang magpapatunay sa nasabing mga alegasyon.

Bagama’t pinaaalalahanan ni PNP Chief General Rommel Francisco D Marbil ang lahat ng mamamayan, lalo na ang mga vlogger, content creators, at social media influencers na maging responsible sa pagbabahagi ng impormasyon, binigyang diin din niya na ang pagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi lamang nagpapalaganap ng takot at kalituhan, kundi maaaring magdulot din ng mas malalang epekto sa seguridad at kaayusan ng publiko.

Nanawagan naman ang Pambansang Pulisya sa publiko na suportahan ang pamahalaan sa laban nito kontra digital disinformation at mariing pinaalalahanan ang mga netizens na huwag basta-basta maniniwala o magshe-share ng mga impormasyon kung hindi ito beripikado at galing sa mapagkakatiwalaang source.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles