Thursday, April 24, 2025

PNP JAFNAC, mas pinaigting ang paglaban sa online fake news

Bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang pagkalat ng disinformation sa ilalim ng kanyang pamumuno, mas pinaigting na ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PLtGen Robert Rodriguez, Deputy Chief PNP for Operations, ang imbestigasyon kaugnay ng diumano’y fake news tungkol sa pagkidnap ng ilang high-profile na Chinese businessmen.

Kasama ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG), iniimbestigahan na ngayon ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) ang insidente para matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng malisyosong balita. Ang ganitong klaseng fake news ay nagdudulot ng takot at kalituhan sa publiko, kaya’t determinado ang PNP na sugpuin ito.

Itinatag ang JAFNAC para masiguro ang mas mabilis na koordinasyon, monitoring, at response para labanan ang fake news sa lahat ng platforms.

“Hindi kami titigil hangga’t hindi namin natutukoy ang mga nasa likod ng mga gawa-gawang balitang ito. Gagawin ng PNP ang lahat ng legal at operasyonal na hakbang para mapanagot sila. Walang puwang ang disinformation sa ating bansa,” pahayag ni PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil.

Pinaalalahanan din ng PNP ang publiko—lalo na ang mga vloggers, content creators, at social media influencers—na maging responsable sa pagpo-post online. Siguraduhing totoo at beripikado ang impormasyon bago ito i-share, lalo na kung may kinalaman ito sa seguridad ng bansa o kaligtasan ng mamamayan. Oo, may kalayaan tayong magsalita, pero may kaakibat din itong pananagutan.

Tiniyak ng PNP na sila ay may mga hakbang na ginagawa ngayon para tugisin ang mga nasa likod ng fake news na ito, at sinisigurong mananagot sila sa batas.

Bilang institusyong naninindigan sa katotohanan, transparency, at public trust, nananawagan ang PNP sa lahat na maging mapanuri, huwag basta-basta mag-share, at suportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa digital disinformation. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang tiwala ng tao ay nakabase sa katotohanan.

Source: PNP-PIO

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,500SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles