Bilang paggunita sa ika-82 araw ng Kagitingin ay nakiisa ang mga kapulisan ng Isabela sa Veterans Tribute Skate Park, Barangay Tagaran Cauayan City, Isabela ngayong araw ng Martes, ika-9 ng Abril 2024.
Pinangunahan ito ni Hon. Faustino A. Dy V, Congressman, 6th District of Isabela kasama ang Isabela PNP na pinangunahan ni Deputy Provincial Director for Operation, Police Lieutenant Colonel Sherwin F Cuntapay, Brigadier General Eugene M Mata, Brigade Commander, 502nd Brigade Infantry Division; Hon. Caesar S. Dy Jr., Cauayan City Mayor; Ms. Marilen A. Tolentino, Head PVAO Field Service Office-Bayombong; COL Charlie Ssanchez, PA (Ret), VFP 3rd Isabela District Consultant at Colonel Marcelino B Tacadena Jr, (GSC) PA (Ret).

Bahagi nang nasabing aktibidad ang Three Volleys of Fire Sounding of Taps, Wreath Laying Ceremony at mensahe na binahagi mula naman kay Congressman Dy.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa upang gunitain ang sakripisyo, katapangan at pagmamalasakit ng ating mga kababayan noong panahon ng digmaan at ito’y pagpapakita na ang kanilang alaala ay patuloy na nabubuhay sa ating mga puso at sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Source: Isabela PPO
Panulat ni PCpl Kelvin Paul Juan