Nakiisa ang PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) 2 sa isinagawang Fun Run noong Disyembre 10, 2022 na ginanap sa Barangay Carig, Tuguegarao City, Cagayan.
Aktibong dumalo ang mga kapulisan mula sa HRAO 2 sa pangunguna ni Police Major Mary Jane C Sibbaluca, Chief, Regional PNP Human Rights Office.
Ang aktibidad ay kaugnay sa National Human Rights Consciousness Week at bilang pagdiriwang sa International Human Rights Day at International Day Against Trafficking.
Ang fun run ay may temang “Takbo Para sa Karapatang Pangtao” na inorganisa ng Commission on Human Rights Region 2 at dinaluhan ng iba pang ahensya ng pamahalaan.
Source: Regional PHRAO 2
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi