Pasig City – Nagsagawa ng PNP Heritage Tour ang Eastern Police District bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-80th Araw ng Kagitingan ng bansa nitong Sabado, Abril 9, 2022.
Ang aktibidad ay ginanap sa EPD Multi-Purpose Hall, Caruncho Avenue, Pasig City na pinamunuan ng kanilang District Director na si Police Brigadier General Orlando Yebra Jr.
Ito’y upang gunitain ang kabayanihan at katapangan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano noong World War II laban sa pananakop ng mga Hapon.
Ang programa ay dinaluhan ng mga miyembro ng EPD Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) mula sa Pasig, Mandaluyong, Marikina, San Juan CPS at DMFB.
Itinampok sa ginawang Heritage Tour ang pagkakaroon ng Historical at Heritage site sa Pinaglabanan Shrine, San Juan City.
Nagkaroon din ng pagtatanghal ang EPD Band kung saan kinanta nila ang iba’t ibang makabayang musika ng bansa.
Ang pag-alala sa kabayanihan ng ating mga ninuno ay isa sa mga layunin ng PNP na ipagbigay alam sa mga bagong henerasyon na ang kanilang pagmamahal sa bayan ay hindi matatawaran.
Source: EPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos
Congrats salamat PNP