Tubod, Lanao del Norte – Pinangunahan ng Lanao del Norte PNP ang PNP Heritage Tour sa Araw ng Kagitingan na dinaos sa Rizal Park, Poblacion, Tubod, Lanao del Norte nito lamang Sabado, Abril 9, 2022.
Ito ay sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Salman Saad, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit ng Tubod Lanao del Norte at bandang 8:00 ng umaga sinimulan ang programa.
Ayon pa kay PLtCol Saad, ang tampok ng naturang aktibidad ay ang wreath laying sa rebulto ni Jose Rizal, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Sinundan ito ng audio visual presentation patungkol sa kahalagahan ng Araw ng Kagitingan at pagbibigay-pugay sa ating mga bayani.
Ipinakita naman ng mga miyembro ng Lanao del Norte PNP ang kanilang pagsuporta at kooperasyon sa Araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng pag-aawit at pagsayaw.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na nagbibigay puri sa lahat ng sakripisyo ng mga ordinaryo at Bayaning Pilipino na pinaglaban at inalay ang iisang buhay, upang makamtan ang demokrasya at kasarinlan ng ating bayan.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz
👍🏻