Isinagawa ng PNP Health Service ng Regional Medical and Dental Unit 13 ang roving visitation na tinaguriang “Serbisyong Pangkalusugan” para sa mga personnel ng PNP at kanilang mga dependents na ginanap sa Conference Room ng Surigao del Norte Police Provincial Office nito lamang Oktubre 2, 2024.
Ilan sa mga serbisyong inialok ay ang libreng medical check-up para matukoy ang mga vital signs, dental services, health education, mental health support, at referral services.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong tugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating kapulisan upang mapanatili at mapabuti ang kanilang kalusugan at kanilang pamilya na isang mahalagang aspeto para panatilihing maayos at epektibo ang serbisyo para sa komunidad.
“I gratefully acknowledged the presence of the members of the PNP Health Service from the Regional Medical and Dental Unit 13, whose unwavering effort and dedication in monitoring and addressing the medical needs of our PNP personnel in the province is truly commendable,” ani Police Colonel Nilo T Texon, Officer-in-Charge ng Surigao del Norte Police Provincial Office.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin