Ginunita ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang mga namayapang bayaning pulis na nag-alay ng kanilang nag-iisang buhay sa pamamagitan ng pag-aalay ng dasal at pagsisindi ng kandila na ginanap sa Bantayog ng Bayaning Tagapamayapa at sa PNP Museum, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City nito lamang umaga ng Nobyembre 2, 2024.
Pinangunahan ito ni Police Colonel Marvin Joe C Saro, Officer-In-Charge ng Police Community Affairs and Development Group kasama ang PCADG Command Group at ibang PNP Personnel.
Pinangasiwaan naman ni Police Major Rhey J Dollesin ng Chaplain Service ang pag-aalay ng misa para sa ating namayapang bayaning pulis na nag-alay ng kanilang buhay habang nasa kalagitnaan ng kanilang operasyon.
Ngayong araw, pinararangalan natin ang buhay ng ating mga bayaning pulis na nagtataglay ng lubos na katapangan, integridad, at dedikasyon sa tungkulin higit sa pansariling kapakanan. Tiyak na hindi mawawalan ng saysay ang kanilang walang sawang paglilingkod sa muling pagbuhay sa hangarin ng bawat mamamayan na manindigan para sa ating inang bayan, sa pangangalaga sa kalayaan nito at sa paglaban sa lahat ng uri ng kriminalidad, kabilang na ang terorismo.
Sa paggunita natin sa kanilang mga alaala, nawa’y patuloy tayong mamuhay ayon sa kanilang mga mithiin, gagampanan natin ang ating mandato ng may dedikasyon sa paglilingkod at protektahan ang ating mga kababayan. May we stand united, committed as ever, as proud members of the Nation’s Peacekeeper. Dahil sa tungkuli’y ating karangalan, ihandog nag-iisang buhay!
Our eternal salute to all the gallant PNP fallen heroes.