Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Enrile Police Station sa mga mag-aaral ng Our Lady of Snows Academy, Barangay Villa Maria, Enrile, Cagayan nito lamang ika-10 ng Pebrero 2025.
Tampok sa talakayan ang patungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga, Anti-terrorism/EO 70 o NTF ELCAC, road safety tips at Anti-rape law upang magkaroon ng sapat na kaalaman at matiyak ang seguridad ng mga mag-aaral.
Layunin ng aktibidad na bumuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan, mga paaralan at komunidad sa pamamagitan ng Project “TRUST” (To Render Unity and Safer community Through lectures and Seminars) upang mapanatili ang isang komunidad na produktibo, mapayapa at progresibo.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo at pagbigay ng kaalaman kontra kriminalidad upang magkaroon ng maayos at maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Enrile PS