Muling umarangkada ang isinagawang Community Outreach Program ng Tumauini PNP na nakapagbenipisyo ng 70 kabataan ng Barangay Dy Abra, Tumauini, Isabela noong ika-10 ng Marso 2024.

Pinangunahan ni Police Major Melchor A Aggabao Jr, Officer-In-Charge ng Tumauini PNP, kasama sina Police Major Sharon Mallillin, aktibong miyembro ng Sierra Falconez Organization, Police Captain Rodel E Bunao, Armed Forces of the Philippines 95th Infantry Battalion at mga opisyales ng Barangay Dy Abra.

Tampok sa nasabing aktibidad ang feeding program, pamamahagi ng learning materials, parlor games para sa mga bata at nagkaroon din ng talakayan patungkol sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Anti-Bullying, Anti-Terrorism kaugnay sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ng Executive Order 70 at Crime Prevention Tips sa mga kabataan at residente ng nasabing barangay.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapagtibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan partikular sa paghahatid ng serbisyo upang patuloy na tumatag ang pundasyon ng pamayanan alinsunod sa programang isinusulong ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr para sa nagkakaisang Pilipino tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Tumauini PS
Panulat ni Pat Donnabele R Galang