Ilagan City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga kapulisan ng Ilagan City sa Sitio Lagis, Sindun Bayabo, City of Ilagan, Isabela noong Marso 15, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Benjamin Balais, Hepe ng Ilagan City Police Station, 60 residente ang naging benepisyaryo ng Livelihood Programs, 20 residente naman ang matagumpay na nagtapos sa Bread and Pastry-Making Training, 20 residente sa Carpentry Training na pawang nakatanggap ng certificates, training allowance at toolkits bilang panimula ng kanilang pangkabuhayan at 20 residente din ang lumahok sa pagbubukas ng Masonry Training.
Ayon pa kay PLtCol Balais, namahagi sila ng mga buto at seedlings ng gulay at mga buhay na manok bilang dagdag pangkabuhayan.
Dagdag pa ni Pltcol Balais, nagsagawa rin sila ng Libreng Gupit, Feeding Program, at Gift-giving sa 50 na bata na nakisaya.
Gayundin, ang Ilagan City Fire Station ay nagsagawa ng panayam patungkol sa mga dapat gawin upang makaiwas sa sunog.
Samantala, laking pasasalamat naman ni PltCol Balais sa tagumpay ng aktibidad dahil sa tulong at ambag ng TESDA, lokal na pamahalaan ng City of Ilagan, Dept of Agriculture – Cagayan Valley Research Center, Department of Trade Industry, Movement for Restoration of Peace and Order, Solid LSP, Coca-Cola Philippines, Itogon Suyoc Resources Inc., Isabela Police Provincial Office, 142nd Special Action Company, 14th Special Action Battalion, 95th Infantry Battalion 5th Infantry Division Philippine Army, 86th Infantry Battalion 5th Infantry Division, Philippine Army, PNP-Special Action Force, 201st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion, at Ilagan City Fire Station.
Magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders upang ipadama at iparating ang tulong sa mga mamamayan kahit sa mga liblib na lugar.
Source: Ilagan CPS
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi
PNP Tunay at tapat n serbisyong publiko