Eastern Samar – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Borongan City Police Station para sa mga kabataan ng Barangay Balud, Borongan City, Eastern Samar na ginanap sa covered court ng Sitio Lipgutan ng nasabing barangay nitong Enero 21, 2023.
Tinungo ng mga tauhan ng Borongan CPS ang nasabing barangay sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Merlita Comia, Asst. WCPD PNCO, at Police Trainees ng Batch 2021-02 Masandigan na sumasailalim sa Field Training Program (FTX/OJT) sa Borongan CPS, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dexter Astacaan, Acting Chief of Police, kasama ang Faith-Based volunteer life coach na si Pastor Bertos, at ang mga kabataan ng Touch of the Holy Spirit Church.
Naisagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng feeding program sa humigit kumulang 100 na bata. Samantala, nagturo din ng isang awitin sa pagsamba at tinalakay ni Pastor Bertos ang pagpapataas ng moral at espiritwal ng mga kabataan at nagbigay lecture naman ang WCPD PNCO patungkol sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law).
Ang aktibidad ay isang paraan upang maipakita ang pagkakaisa, pagmamalasakit, pagtutulungan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na alinsunod sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong mapanatili ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bayan.