Hindi pa man tapos ang bilangan ng mga boto sa halalan, walang kapaguran ang team NCRPO sa pagsasagawa ng Community Outreach Program sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong sa pamumuno ni PMGen Felipe Natividad, RD, NCRPO, sa pakikipagtulungan ng Regional Community Affairs and Development Division ngayong ika-11 ng Mayo, 2022 na ginanap sa Aplaya, Baseco Gymnasium, Barangay 649, Zone 68, Port Area, Manila.
Ang nasabing aktibidad ay pinamunuan ni PCol Romy Palgue, C, RCADD, kasama sina PCol Lambert Suerte, Force Commander, Regional Mobile Force Battalion (RMFB), NCRPO; PCol Julius Domingo, C, DCADD, MPD at PLtCol Cristito Acohon, Station Commander, Baseco Police Station 13.
Nasa 260 na pamilya ang nabigyan ng food packs at iba pang serbisyo para sa mga residente ng nasabing lugar.
Nangako ang Regional Director ng NCRPO na gagawin niya ang lahat ng paraan para makapagpaabot ng tulong sa kanyang nasasakupan.
“Tayo ay handang magserbisyo sa ating mga kababayan sa iba’t ibang paraan. Nakahanda po ang inyong kapulisan na tumulong ng higit sa aming tungkulin para sa inyong kapakanan,” ani PMGen Natividad.
###