San Nicholas, Pangasinan (January 19, 2022) – Nagsagawa ng community outreach program ang mga kapulisan ng Pangasinan na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jugith Del Prado, Acting Chief, Regional Community Affairs and Development Division ng Police Regional Office 1 (PRO 1) at aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Pangasinan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel June Galingan, Deputy Provincial Director for Administration at San Nicolas Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Banayos, Officer-in-Charge sa Barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan noong Enero 19, 2022.
Nasa 60 senior citizens at senior high school students ang nakatanggap ng mga foodpacks, mugs, stuff toys at slippers sa naturang aktibidad.
Nahandugan din ang mga residente ng tulong medikal at dental na isinagawa ng RMDU 1 tulad ng Dental Flouride, blood sugar count/test, COVID-19 Vaccination at iba pang serbisyong medikal.
Ang layunin ng nasabing PNP Community Outreach Program ay maiparating sa ating mga kababayan na kahit sa kabila ng hamon ng pandemya ay patuloy na naghahatid ang gobyerno ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan.
#####
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan
Tunay n serbisyong may puso salamat PNP