Taytay, Palawan – Nagsagawa ng PNP Community Outreach Program ang mga tauhan ng 401st B Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA sa Barangay Talog, Taytay, Palawan noong Hunyo 29, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Marvin Estigoy, Officer-in-Charge ng 401st B MC, RMFB MIMAROPA kasama ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (Tagalog Chapter).
Namahagi ang grupo ng food packs, libreng pagkain at libreng gupit para sa mga residente ng nasabing barangay.
Labis naman na natuwa ang mga benepisyaryo at buong puso na nagpapasalamat ang mga residente ng nasabing barangay.
Layunin nitong maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan.
Ang PNP ay handang tumulong sa anumang paraan at sa abot ng kanilang makakaya upang magbigay serbisyo sa ating mga kababayan.
Source : Firstmcrpsb Pcr
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus