Occidental Mindoro – Nagsagawa ng PNP Community Outreach Program ang mga tauhan ng 1st Maneuver Platoon ng 2nd Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Payompon, Occidental Mindoro noong ika-2 ng Nobyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Eric Guillermo, Platoon ESPO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Wilson Cuevo, Force Commander ng 2nd Occidental Mindoro PMFC kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kobtra Droga at Terorismo.

Namahagi ang kapulisan ng biscuits at Zest-O sa mga kabataan ng nasabing lugar at lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga ito sa ating mga kapulisan.
Ang naturang aktibidad ay nakaangkla sa 5-Focused Agenda ni Police General Benjamin Acorda Jr, Chief PNP na Community Engagement na naglalayon na matulungan ang mga mamamayan na lubos na nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus