Palawan – Nagsagawa ng PNP Community Outreach Program ang mga personahe ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Pulot Interior, Sofronio Española, Palawan noong ika-24 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant John Rhain Baza, Platoon Leader, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Klinton Rex Jamorol, Force Commander ng 1st Palawan PMFC katuwang ang mga tauhan mula sa Marine Battalion Landing Team (MBLT-7), at Local Government Unit ng Sofronio Española.
Mahigit sa isang daan at limampung (150) residente ng Brgy. Pulot Interior, Sofronio Española ang nabiyayaan sa isinagawang libreng tuli, gupit, at libreng check-up.

Ang aktibidad ay alinsunod sa patuloy na suporta ng PNP sa pagpapalapit ng serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan lalo na sa mga naninirahan sa malalayong lugar, katuwang ang mga stakeholders na naglalayong makapagbahagi ng libreng serbisyo para sa kapwa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus