Malay, Aklan – Nagsagawa ng tatlong magkakahiwalay na feeding program ang mga tauhan ng Malay Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Don Dicksie De Dios, Chief of Police, nitong Miyerkules, Abril 6, 2022, sa mga kabataan ng Malay, Aklan.
Katuwang ng Police Community Relations personnel ng Malay MPS sa pagsagawa ng naturang aktibidad ang Co-Owner ng Boracay Koryo Restaurant na si Mr. Zohan Cho at ang General Manager nito na si Mr. Bong Arban.
Umabot sa 25 na kabataan ang nabigyan ng masustansiyang pagkain sa Manocmanoc Elementary School, samantala 50 naman sa Sitio Tulubhan ng parehong barangay at 30 naman sa Sitio Bolabog sa Brgy. Balabag.
Layunin ng nasabing programa na matulungan at mahatiran ng mga pangunahing pangangailangan ang naturang komunidad na sa ngayon ay paunti-unti ng bumabawi sa krisis na naidulot ng COVID-19.
Tiniyak naman ng Malay MPS na hangga’t may nangangailangan pa sa kanilang nasasakupan patuloy silang maghahanap ng pamamaraan upang makapag-abot ng kahit anong uri ng tulong sa kanila.
#PNPKakampiMo
#WeServeandProtect
###
PNP serbisyong totoo at malasakit s bayan