La Union – Pinangunahan ni Police General Rodolfo S Azurin Jr, Hepe ng Philippine National Police ang Groundbreaking Ceremony ng PNP Community Police Assistance Center (COMPAC) sa Brgy. Cuenca, Pugo, La Union nito lamang Enero 12, 2023.
Ang nasabing COMPAC ay may kabuuang 2-palapag na gusali na may floor area na 160 sqm, may kabuuang lot area na 200 sqm.
Magkakaroon ito ng dalawang custodial facility, dalawang billeting room, opisina, kusina, at multi-purpose/conference room.
Ang mga gastos sa konstruksyon ay kukunin sa pondo ng PNP, samantala ang lote ay donasyon ng LGU ng Pugo.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din nina PBGen John C Chua, PRO 1 Regional Director, mga miyembro ng Command Group, Provincial Directors, iba pang pangunahing opisyal ng PRO 1, at Hon. Kurt Martin, Municipal Mayor ng Pugo, La Union.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni PGen Azurin ang lokal na pamahalaan ng Pugo, La Union sa kanilang bukas-palad na suporta sa PNP gayundin sa kanilang patuloy na pakikibahagi at supporta sa mga aktibidad ng pambansang pulisya.
Ang COMPAC ay mga PNP Satellite Stations na matatagpuan sa mga estratehikong lugar sa iba’t ibang entry at exit point sa isang lokalidad na nagsisilbing sentro para sa mabilis at agarang aksyon o pagtugon sa anumang sitwasyong pang-emergency.
Layunin din nitong tiyakin ang kaligtasan ng publiko, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagpigil sa paggawa ng mga krimen.
Source: Pugo, MPS, La Union
Panulat ni Pat Dennis Carinal