Lumipad noong ikalawa ng Marso patungong Phnom Penh, Cambodia si PNP Chief, PGen Dionardo B Carlos para kumatawan sa Pilipinas para sa “40th ASEAN National Police” o ASEANAPOL Conference.
Pinangunahan ni PNP Chief, PGen Carlos ang labing-isang delegasyon ng Pambansang Pulisya para sa taunang pagpupulong ng mga Pambansang Ahensya ng Pulisya ng Sampung (10) mga bansang miyembro ng ASEAN na pinangunahan ng Cambodian National Police. Sa loob ng tatlong-araw na pagpupulong at dayalogo, tinalakay ng mga ASEAN Chiefs of Police ang kasalukuyang mga alalahanin sa Transnational Crime, kabilang ang layuning palakasin ang International Cooperation sa iba pang puwersa ng pulisya sa rehiyon ng ASEAN laban sa mga Transnational Syndicate.
Ang “40th ASEANAPOL” ay dinaluhan ng mga Hepe ng Royal Brunei Police Force, Cambodian National Police, Indonesian National Police, Lao People’s Democratic Republic General Department of Police, Royal Malaysia Police, Myanmar Police Force, Philippine National Police, Singapore Police Force, Royal Thai Police, at Socialist Republic of Vietnam Police.
Dumalo din ang mga delegado ng Dialogue Partner at Observers na mula sa Australian Federal Police; Ministry of Public Security ng People’s Republic of China; National Police Agency ng Japan; Korean National Police; New Zealand Police; National Crime Agency (NCA), United Kingdom; ICPO-INTERPOL; International Association of Chiefs of Police (IACP); US Federal Bureau of Investigation (FBI); Royal Canadian Mounted Police; Turkey National Police; at mga Representatives na mula sa Russian Embassy sa Phnom Penh, Cambodia.
Ang delegasyon ng PNP ay dumalo sa mga pagpupulong at dayalogo ng tatlong Conference Commissions para talakayin ang mga paksa sa Illicit Drug Trafficking; Terrorism; Arms Smuggling; Trafficking in Persons; Wildlife Crimes; Maritime Fraud; Commercial Crime; Cybercrime; Fraudulent Travel Documents; Transnational Fraud; Electronic ASEANAPOL Database System; Mutual Assistance sa mga usaping Kriminal; pagpapalitan ng mga tauhan at programa na may kinalaman sa pagsasanay; at ang ASEAN Police Forensic Science Network. (PEMS Eric Fernandez and PSSg Nechaell Hadjula, PNP PIO)
####