Pasay City – Binisita at nagsagawa ng inspeksyon ang Ama ng Pambansang Pulisya, PGen Dionardo Carlos sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 departure at arrival area ganap na alas-5 ng hapon ng April 13, 2022.
Kasama sina PMGen Felipe Natividad, Director, NCRPO; PBGen Valeriano De Leon, Director DO; at PBGen Limuel Obon, Executive Officer DO, sa pagsasagawa ng inspeksyon sa nasabing paliparan bilang parte ng “Ligtas SUMVAC 2022”.
Malugod namang sinamahan ng bagong Direktor ng PNP AVSEGROUP na si PBGen Andre Dizon, kasama ang iba pang mga opisyal ng unit sa kanilang pag-iikot at ang pagbibigay ng security coverage sa Ama ng Pambansang Pulisya sa kanyang aktibidad.
Ang layunin ng pagbisita nito sa paliparan ay upang masiguro ang pagpapaigting ng seguridad ng ating mga kababayan na nasa ating mga paliparan at magdidiwang ng Mahal na Araw sa kani-kanilang mga probinsya.
Ang PNP AVSEGROUP ay patuloy na magsasagawa ng inspeksyon at magbibigay proteksyon para sa ligtas na biyahe ng ating mga kababayan na paalis at parating sa lahat ng paliparan sa buong bansa lalung-lalo na ngayong Semana Santa at buong summer season.
###
Panulat ni Patrolwoman Kim Delos Santos