Wednesday, April 2, 2025

PNP Chief, ginawaran ng parangal ang mga pulis Antipolo sa mabilis na pagresponde sa pamamaril

Pinangunahan mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, ang paggawad ng parangal sa walong personnel ng Antipolo Component City Police Station (CCPS) bilang pagkilala sa kanilang mabilis na pagresponde at katapangan sa pagdakip sa isang armadong suspek na sangkot sa marahas na insidente ng road rage shooting. 

Ginawa ang seremonya sa Antipolo CCPS at dinaluhan ng mga opisyal mula sa Police Regional Office 4A, sa pangunguna ni Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, at Rizal Police Provincial Office, sa pamumuno ni Provincial Director Police Colonel Filipe Maraggun. 

Ginawaran ng Medalya ng Kagalingan sina Police Lieutenant Orlando Santos Jalmasco, Police Chief Master Sergeant Ranel Delos Santos Cruz, Police Corporal Kaveen John Rubia Vea, Police Corporal Joeban Acosta Abendaño, Police Corporal Niño Cipriano Chavez, Patrolman Reylan Rivarez De Chavez, Patrolman Michael Keith Lalican Panganiban, at Patrolman John Mark Bacli Manahan dahil sa kanilang maagap at mahusay na pagganap ng tungkulin. 

Nag-ugat ang parangal mula sa isang insidente noong Marso 30, 2025, kung saan nauwi sa pamamaril ang isang away sa kalsada, dahilan upang masugatan ang apat na biktima. Sinubukan ng suspek na tumakas ngunit agad siyang naharang at naaresto ng mga tauhan ng Antipolo CCPS sa pamamagitan ng mabilis at koordinadong aksyon. Narekober din ang isang baril at iba pang ebidensya. 

Sa kasalukuyan, ang kondisyon ng unang biktima ay kasalukuyang sumasailalim sa operasyon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City, ang pangalawang bikima naman ay nakalabas na ng ospital, ang pangatlong biktima naman ay nagpapagaling na sa hospital ward, at ang pang-apat ay na-discharge na.

Sa awarding ceremony, pinuri ni PNP Chief General Marbil ang mga pulis dahil sa kanilang mabilis at matapang na aksyon, na sumasalamin sa dedikasyon ng PNP sa kaligtasan ng publiko, alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Dahil sa agarang pagresponde ng ating mga pulis, napigilan ang mas malalang insidente at agad na nadakip ang suspek. Ito ang klase ng propesyonalismo at dedikasyon na isinusulong ng PNP. Patuloy kaming magbabantay upang tiyakin ang kapayapaan at hustisya para sa ating mga mamamayan,” ani General Marbil.

Nahaharap na ngayon sa iba’t ibang kasong kriminal ang suspek, at tiniyak ng mga awtoridad na mananaig ang hustisya. Muling binigyang-diin ng PNP Chief ang pangako ng PNP na panatilihin ang kapayapaan at seguridad, kasabay ng panawagan sa publiko na patuloy na suportahan ang mga alagad ng batas sa kanilang misyon na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa buong bansa.

Source: PNP FB Page

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles