Isulan, Sultan Kudarat – Ginawaran ng PNP Ceremonial Honor ang yumaong si Police Corporal Salipuden Endab ng Maguindanao Police Provincial Office sa kanyang Ta’ziah o 7 days Kanduli sa Talipasan Community, Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat noong ika-4 ng
Setyembre 2022.
Ayon kay Police Colonel Roel Sermese, Provincial Director, si PCpl Endab ay ang drayber ng patrol car na napatay sa Ampatuan ambush incident na maghahain sana ng Warrant of Arrest laban kay Kamir Kambal alyas “Meds” sa Brgy. Kapilpilan, Ampatuan, Maguindanao noong Agosto 30, 2022.
Kabilang sa iginawad sa pamilya ni PCpl Endab ang Medalya ng Kahusayan, Pambansang Watawat ng Pilipinas at tulong pinansyal bilang pagkilala sa kanyang paglilingkod at sakripisyo sa bansa.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Sandro Ampad sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Sermese.
Patunay lamang na ang mga ganitong pangyayari ay kaakibat ng isang pagiging pulis na handang maglingkod at magsakripisyo upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng ating bansa.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz