Nakiisa ang Police Regional Office (PRO) 13 sa isinagawang Simultaneous Love and Blessing (LAB) Virus Program at Medical Mission na pinangunahan ng PNP Officers’ Ladies Club Foundation Inc. (OLCFI) na ginanap sa Camp Col. Rafael C. Rodriguez, Butuan City nito lamang Hunyo 4, 2025.


Kabuuang 99 na benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong, kabilang ang labing-walong (18) pulis at PNP dependents na may malulubhang kondisyon sa kalusugan.
Ang mga benipisyaryo ay tumanggap ng pinansyal na tulong, grocery items, at hygiene kits. Samantala, 48 personnel at 33 dependents pa ang nakatanggap ng grocery items, hygiene kits, at iba’t ibang serbisyong medikal.


Kabilang sa mga serbisyong hatid ng Regional Medical and Dental Unit 13 ang libreng tuli, dental check-up, medical consultation, at health education lecture para sa lahat ng dumalo.
Dumalo rin sa aktibidad ang PRO13 Command Group, mga regional at personal staff, iba pang PNP personnel, at mga miyembro ng PRO13 OLCFI, sa pangunguna ni Dr. Ma. Victoria Torrefranca-Trojello, ang kasalukuyang presidente ng lokal na sangay.
Ang LAB Virus Program ay inilunsad noong Agosto 20, 2024, sa ilalim ng pamumuno ng dating PNP-OLC adviser na si Mary Rose P. Marbil, at ng kasalukuyang presidente na si Gng. Leilani S. Alba. Layunin ng programa na maghatid ng pagmamahal, suporta, at tulong-medikal sa mga miyembro ng PNP at kanilang pamilya.
“We are grateful to the PNP OLCFI for making this possible and to our doctors, nurses, and other personnel for generously sharing their time and expertise. To our beneficiaries, especially police officers battling chronic illnesses, we are praying for your healing and recovery,” ani PBGen Abrahano.
Panulat ni Pat Karen Mallillin